Metro Manila, mataas ang tyansang ibaba sa Alert Level 3 sa Oktubre 15 – Palasyo

Kinumpirma ng Malakanyang na malaki ang tyansa na maibaba na sa Alert Level 3 ang Metro Manila pagsapit ng Oktubre 15.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakikita naman na bumababa na ang indikasyon ng COVID-19 cases sa bansa at kung magtutuloy ito hanggang sa mga susunod na araw ay hindi malayong luwagan nang kaunti ang mga polisiya na umiiral sa National Capital Region.

Gayunman, sinabi ni Roque na ayaw niyang pangunahan ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil baka maakusahan siyang inuunahan ang desisyon ng mga eksperto.


“I do not know kasi I do not want to be accused of prejudging and pre-empting the IATF. all that I said is that the data supports a lowering of the alert level especially the ICU utilization rate and the overall health care utilization rate of Metro Manila.” ani Roque

Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng Alert Level 4 ang NCR hanggang Oktubre 15.

Facebook Comments