Metro Manila, may pinakamababang singil sa tubig

Pinakamababa ang singil ng tubig sa Metro Manila mula sa 12 metropolitan cities sa Pilipinas.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Nasa 104 pesos ang binabayaran ng mga residente sa Metro Manila na kumokonsumo ng 10 cubic meters kada buwan.


Mababa ito kumpara sa 137 pesos sa Davao City, 152 pesos sa Cebu City kada 10 cubic meter.

Sa Baguio City ay may pinakamahal na singil sa tubig na aabot sa 370 pesos kada 10 cubic meter.

Sa ngayon, inilalatag ng pamahalaan ang bagong concession deals sa Maynilad at Manila Water matapos punahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi patas na singil ng mga kumpanya.

Facebook Comments