Metro Manila Mayor, ipapatawag ng DOH kasabay ng paglobo ng dengue sa NCR

Makikipag-usap ang Department of Health (DOH) sa Metro Manila Mayor para mapalakas pa ang kampanya laban sa sakit na dengue.

Base sa huling tala ng DOH, 10,359 ang tinamaan ng nasabing sakit sa Metro Manila.

Sa Quezon City, 24 na ang namatay ng dahil sa dengue virus. 5 sa Manila City, 4 sa Caloocan, 2 sa Taguig, Valenzuela, Pasig at Marikina habang 1 ang naitalang namatay sa Parañaque, Malabon, Pasay at Navotas.


Nitong nakaraang araw, una nang nagsagawa ng City wide simultaneous clearing operation ang Makati City.

Bitbit ang walis, dustpan at sako, sinuyod  nila ang kada iskenita at isa sa naging sentro ang Cuenca Street ng Makati dahil 4 ang tinamaan ng dengue roon.

Samantala, nagbabala ang DOH sa publiko kasabay ng paglipana ng food suppliment na tawa-tawa sa internet kung saan dapat beripikahin muna ito sa Food and Drug Administration (FDA) bago gamitin.

Facebook Comments