Handa ang Local Government Units (LGUs) ng Metro Manila sa paggulong ng COVID-19 vaccination program sa bansa.
Ito ang tiniyak Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia kasunod ng paglalatag ng mga Metro Manila Mayors ng kanilang vaccination programs ngayong nalalapit na ang pagdating ng unang batch ng COVID-19 vaccines.
Ayon naman kay Vaccine Czar Carlito Galvez, inaasahang darating ang higit isang milyong doses ng bakuna mula sa mga kompanyang AstraZeneca, Pfizer at Sinovac.
Samantala, sinimulan na ng National Task Force Against COVID-19 ang pag-iikot sa mga LGUs sa Metro Manila para i-check ang kanilang vaccination program.
Kasabay nito, inaprubahan na ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) ang vaccination plan ng Pasig City.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang Lungsod ng Pasig ang kauna-unahang LGU sa bansa ang mayroong DOH-WHO approved vaccination plan.