Maglalabas ng rekomendasyon ang Metro Manila mayors kaugnay ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, ilalabas nila ang desisyon oras na makuha nila ang data analytics at yung input ng economic managers at private sector.
Bagama’t bumababa ang kaso, nananatili aniya sa critical level ang bilang ng COVID cases kaya kailangang ipagpatuloy ang contact tracing.
Samantala, iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Miyerkoles, Abril 28, ang bagong quarantine classifications sa NCR Plus areas para sa buwan ng Mayo.
Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, magpupulong bukas, Abril 27 ang Inter-Agency Task Force (IATF) para pag-usapan ang magiging rekomendasyon sa Pangulo.