Marikina City, naglagay ng karagdagang COVID-19 treatment at quarantine facility

Inihayag ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na nagdagdag na sila ng 100-bed facility para sa mga residenteng positibo ng COVID-19 at mayroon ding lugar para sa swab testing.

Paliwanag ng alkalde ito umano ay karagdagan sa tatlong kasalukuyang treatment at quarantine facilities, kung saan ang Local Government Unit (LGU) ay mayroong 8 reverse isolation facilities na ang ilan ay ginamit na bilang evacuation centers noong kasagsagan ang malakas na ulan at pagbaha sa lungsod.

Dagdag pa ni Mayor Teodoro dahil umano sa naturang mga pasilidad ay madaling naihihiwalay ang mga indibidwal na napatunayang positibo sa COVID-19 at mas mabilis na rin ang contact tracing.


Facebook Comments