Metro Manila mayors, nag-convene para talakayin ang quarantine restrictions sa NCR 

Nagpulong ang mga alklade ng National Capital Region (NCR) para talakayin ang quarantine restrictions sa harap ng napipintong pag-expire ng General Community Quarantine (GCQ) sa Miyerkules, September 30, 2020. 

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, nais niyang palawigin muli ang GCQ dahl hindi pa handa ang NCR na ibaba sa mas maluwag ng Modified GCQ. 

Dapat matuto tayo sa nakaraan. Hindi pa ready ang NCR for GCQ, tapos pinilit, then bumalik lang tayo sa MECQ,” sabi ni Tiangco. 


Para naman kay San Juan Mayor Francis Zamora, dapat munang bumaba ang kaso bago luwagan ang quarantine restrictions. 

Dagdag ni Zamora, nagiging disiplinado na ang mga tao at natututong mag-adjust sa ipinapatupad na heath protocols. 

“Under GCQ, San Juan is experiencing a steady drop in active cases. In fact, only 297 as of September 24. This means that all of our interventions to bring down the number of cases are working,” ani Zamora. 

Tingin naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, mahalagang mapanatili ang GCQ status sa Metro Manila para mapanatili ang mga ipinapatupad na hakbang laban sa virus. 

Patuloy aniyang pinag-aaralan ng mga alkalde kung paano luluwagan ang ilang patakaran habang patuloy ding binubuksan ang mga industriya. 

“The NCR will always act as one as our citizens work and live across many NCR cities,” sabi ni Cayetano. 

Pabor din si Pateros Mayor Ike Ponce na manatili ang GCQ habang unti-unting niluluwagan ang pagnenegosyo. 

“The number of COVID-19-positive in the NCR is still high and we really should not put down our guards otherwise all our efforts put to waste. On the other hand, we really should do all possible means to bring this ailing economy back to its prosperous form,” ani Ponce. 

Una nang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na lumalabas sa mga datos na kailangang panatilihin ang GCQ sa Metro Manila. 

Facebook Comments