Metro Manila mayors, nagkasundo na pagbawalan muling lumabas ng bahay ng mga menor de edad

Inihayag ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na nagkasundo ang mga mayor sa Metro Manila na huwag munang palabasin ng bahay ang mga menor de edad, simula bukas.

Batay sa abiso na inilibas ng MMDA, pasado alas-10:00 ngayong umaga, tatagal ng dalawang linggo ang nasabing kautusan, kung saan kailangan manatili sa loob ng bahay ang mga batang may edad mula labing pitong taon gulang pababa.

Ibig sabihin 18 hanggang 65 years old lang ang pwedeng lumabas ng bahay.


Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, depende naman sa ordinansang ipapatupad ng bawat Local Government Unit (LGU) ng Metro Manila ang magiging sanction o penalty sa mga mahuhuli o lalabag.

Aniya ang nasabing hakbang ng mga Metro Manila mayor ay layuning mapigilan ang pagkalat pa ng sakit na dala ng COVID-19.

Asahan naman anya na maglalabas ang Metro Manila Council o MMC ng isang resolution kaugnay sa nasabing kautusan.

Matatandaan, noong nakaraang buwan ay hiniling ng MMC sa Inter-Agency Task Force o IATF na luwagan ang age restriction sa Metro Manila.

Facebook Comments