Ipinapaabot ng Metro Manila Mayors ang kanilang pasasalamat sa Inter-Agency Task Force (IATF) na pakinggan ang kanilang panawagang muling ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, ikinalulugod nila ang agarang tugon ng pamahalaan na mula sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula July 30 hanggang August 5 ay ilalagay ang NCR sa ECQ sa August 6 hanggang 20.
Bagamat ang pagpapatupad ng restrictions at quarantine status ay hindi sapat para labanan ang virus, pag-uusapan ito ng mga alkalde para talakayin ang mga gagawing hakbang para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.
Palalakasin din ang vaccination programs para maabot agad ang population protection sa lalong madaling panahon sa NCR.