Metro Manila Mayors, pabor na ilagay sa GCQ ang NCR

Sa ilalim ng ‘unanimous’ na desisyon, sinang-ayunan ng mga Alkalde ng Metro Manila na ibaba na sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) pagkatapos ng May 31, 2020.

Pero ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, hinihintay pa rin nila ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) hinggil dito.

Sinabi ni Garcia na handa na ang Metro Manila Council para sa transition mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) patungong GCQ.


Dagdag pa ni Garcia, may ilang alkalde pa rin ang nababahala hinggil sa pagbabalik ng pampublikong transportasyon at iba pang concerns.

Ipinapanukala ng konseho na magkaroon ng modified number coding scheme.

Bukod dito, iminungkahi rin na ang mga Local Government Units (LGUs) ay payagang mag-isyu ng small-scale lockdown sa ilang lugar.

Tatalakayin din ang IATF suggestions hinggil sa pagbubukas ng mga mall sa ilalim ng GCQ.

Facebook Comments