Metro Manila mayors, umapela sa DepEd na magkaroon ng kahit isang kinatawan ang bawat siyudad sa NCR sa pagpapatupad ng pilot implementation ng face-to-face classes

Nakipagpulong ang Metro Manila mayors sa Department of Education (DepEd) kung saan humihirit ang mga ito na magkaroon ng kahit isa man lamang na paaralan sa kada siyudad sa National Capital Region (NCR) na maisama sa pilot implementation ng face-to-face classes.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan na kabilang ito sa kanilang kinokonsidera lalo na’t patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay Usec. Malaluan, ang Department of Health (DOH) ang siyang nakatoka sa pagsasagawa ng risk assessment sa kada lugar na pagdarausan ng pilot implementation ng face-to-face classes depende sa sitwasyon ng COVID-19 cases.


Sa ngayon, 59 na paaralan pa lamang sa bansa ang binigyan ng go signal ng DOH na makilahok sa pilot implementation ng face-to-face classes.

Kada linggo aniya ay maglalabas ng assessment ang DOH upang makumpleto ang 120 mga paaralan na sasali sa pilot implementation ng face-to-face classes na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 15.

Facebook Comments