MANILA – Nakafull-alert pa rin ang Metro Manila kasunod ng nangyaring pagsabog sa Davao City.Lalong naghigpit ng seguridad sa mga matataong lugar bukod pa sa mga inilalatag na checkpoints.Ayon kay QCPD Director C/Supt. Guillermo Eleazar, nagtalaga na sila ng mga tauhan sa ilang lugar para sa lockdown checkpoints.Naghigpit na rin ng seguridad sa mga train stations, bus terminals at maging sa mga paliparan.Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, na naghigpit na rin ang inspeksyon sa lahat ng sasakyan sa NAIA habang nilimitahan ang mga maghahatid at sasalubong sa mga pasahero.Kasabay nito, naglabas na rin ng travel warnings ang Amerika, United Kingdom, Australia, Canada at Singapore… bagama’t walang direktang banta sa kanilang mga kababayan.
Metro Manila, Nakafull-Alert Pa Rin
Facebook Comments