Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na malaki na ang ibinaba ng average na arawang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayon.
Ayon kay Health Undersec. Maria Rosario Vergeire, sa Metro Manila ay mahigit isang daan na lamang ang naitatalang kaso ng infection kada araw.
Habang sa buong bansa ay mahigit 400 na lamang na kaso ang naitatala kada araw.
Sa kabila nito, muling nanawagan ang DOH sa publiko na manatiling sumunod sa health protocols at magpabakuna kontra COVID-19.
Facebook Comments