Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling ligtas pa rin ang Metro Manila.
Ito ay matapos ang ambush sa isang negosyante at driver nito sa EDSA-Reliance Mandaluyong City nitong Linggo ng hapon.
Ayon kay PNP Spokesperson, Senior Superintendent Bernard Banac, ang pananambang ng riding-in-tandem suspects sa mga biktimang sina Jose Luis Yulo at sa driver nito na si Allan Nomer Santos ay isolated incident lamang.
Sinabi pa ni Banac – na patuloy pa ring umiiral ang gun ban at mahigpit na ipinatutupad ang mga law enforcement at checkpoint operations.
Sa huling tala ng PNP, aabot na sa 1,623 na indibidwal ang inaresto dahil sa possession of firearms.
Mula sa mga nakumpiska, 1,283 ay assorted firearms, 346 ang commercial explosives, 82 hand grenades, 10,053 pieces of ammunition, 55 gun replicas at 11,027 bladed weapons.
Aabot naman sa 2,592 firearms na may expired licenses ang isinuko ng mga may-ari nito.