Bumaba pa sa minimal risk ang classification ang National Capital Region (NCR) bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay dahil sa nailatang negative two week growth rate sa Metro Manila.
Aniya, ang NCR ay mayroong Average Daily Attack Rate (ADAR) na 0.87 sa kada 100,000 indibidwal.
Naitala rin aniya sa 21.11 percent ang hospital bed utilization rate sa rehiyon; 16.82 percent na mechanical ventilator utilization rate at 29.31 percent na Intensive Care Unit (ICU) utilization rate.
Nasa minimal risk din ang San Juan, Las Piñas, Taguig, Pasay, Mandaluyong, and Pasig habang low risk ang Quezon City, Makait, Parañaque, Manila, Valenzuela, Navotas, Marikina, Malabon, Muntinlupa, Caloocan, at Pateros.