Malaki na ang posibilidad na payagang makapagsagawa ng limitadong face-to-face classes sa Metro Manila.
Sa gitna na rin ito ng patuloy na pagbaba ng kaso ng sakit rehiyon dahil sa programang pagbabakuna ng gobyerno.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Director Roger Masapol, sumulat na ang kagawaran kay Pangulong Rodrigo Duterte na humihimok na palawigin pa ang mga paaralang papayagang makalahok sa pagsisimula ng limited face-to-face classes sa November 15.
Sa 100 pampublikong paaralan sa bansa, tanging ang National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Region 2, at Region 4-B ang hindi makakasama sa limited face-to-face classes.
Sa bilang ng mga pampublikong paaralang kalahok, ang mga ito ay nagmula sa;
10 Ilocos, Central Luzon, Eastern Visayas at Northern Mindanao
5 sa CALABARZON at SOCCSKSARGEN
9 sa Bicol Region
3 sa Western Visayas
8 Central Visayas, Zamboanga at Davao
at 14 sa Caraga.