Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng PNP, mahigit 42,000 na!

Sumampa na sa 42,077 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos makapagtala ng 14 panibagong kaso kung saan 187 ang aktibo.

Nadagdagan naman ng 37 ang mga gumaling para sa kabuuang 41,765 recoveries.


Habang nananatili sa 125 ang bilang ng mga nasawi sa virus sa hanay ng PNP.

Kahapon, umabot na sa 2,813,115 ang kabuuang kaso ng sakit sa Pilipinas matapos makapagtala ng 1,894 panibagong tinamaan ng sakit.

Facebook Comments