Manila, Philippines – Ikakasa na ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang 900 Million pesos Metrobank scam na ninakaw ng empleyado nila.
Ayon kay Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Ben Evardone, nakakabahala na may mga ganitong uri ng empleyado na gumagawa ng fake accounts para dito ideposito ang mga nananakaw na pera mula sa bangko.
Dahil dito mas nakakaalarma aniya ang “fake accounts” kumpara sa “fake news.”
Ipapatawag sa imbestigasyon ng komite ang mga opisyal ng Bangko Sentral Ng Pilipinas at matataas na opisyal ng Metrobank.
Aalamin ng komite kung paaano nakakalusot ang mga fake accounts ng malaking bangko at ano ang hakbang para protektahan ang mga pinaghirapang salapi ng mga depositors.
Tiniyak ni Evardone na hihimayin nila ang protocols ng mga bangko para makita kung saan ang kahinaan nito.