MEXICAN-AMERICAN FOOD VLOGGER, NAMANGHA SA LINAMNAM NG PUTO CALASIAO

Approved para sa isang Mexican-American Food and Lifestyle Vlogger, na naninirahan na sa Pilipinas, ang pamosong Puto Calasiao sa kanyang uploaded video, na umani na nang sari-saring reaksyon sa mga Pangasinense.

Kilala bilang si Livin La Vida Tagalog sa social media, ang dayuhang vlogger na may higit tatlong taon nang naninirahan sa Pilipinas kasama ang kanyang mga anak at Pilipinong asawa.

Sa kanyang ibinahaging video, kitang-kita ang kanyang pagkamangha habang tinitikman ang pamosong Puto Calasiao. Pinuri at nagustuhan niya ang malambot na texture at masarap na lasa ng bite-size na kakanin na perfect pang-meryenda.

Tila nakarelate naman ang mga proud taga-Pangasinan ng mapanuod ang video, kung saan ibinahagi ng ilan ang kanilang sariling karanasan sa pagkain ng naturang delicacy, habang ang iba naman ay na-homesick dahil sa natatanging lasa at sarap ng Puto Calasiao na binabalik-balikan.

Patunay lamang ito na patuloy na kinikilala at tinatangkilik hindi lamang ng mga Pilipino kundi pati ng mga dayuhan ang mga lokal na pagkain at produktong Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments