Mexican die-hard football fan na bibili lang sana ng sigarilyo, nakarating ng Russia para manuod ng Football Confederation Cup

54

Mexico – Sa loob lang ng limang minuto, instant celebrity ang isang die-hard football fan matapos na i-post sa Facebook ang pagpunta niya sa Russia mula Mexico.

Ang paalam kasi ni Antonio Garcia sa kanyang asawa, bibili lang siya ng sigarilyo sa labas ng bahay.

Kaya naman laking gulat ng misis niya nang malamang lumipad na pala siya ng Wolfsburg, Germany para manuod ng Football Confederations Cup!


Tinawag na ngang “Lie of the Century” ang ginawang pagsisinungaling ni Antonio sa kanyang misis.

At bago bumalik sa Mexico, bibilhan na lang daw niya ng magandang regalo ang kanyang asawa para siguradong may bahay pa siyang uuwian.

Facebook Comments