Mexican na naaresto sa paglabag sa health protocol sa Makati City, nahulihan ng iligal na droga

Arestado ang isang Mexican National sa Makati City matapos lumabag sa health protocols partikular ang hindi pagsusuot ng face mask at pagsunod sa curfew.

Kinilala ng Makati Police ang suspek na si Anderson Napolitano, 25-anyos, binata at pansamantalang naninirahan sa Anapao, Burgos, Pangasinan.

Nakuha rito ang 19.73 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P134,164.


Ayon sa mga otoridad, nagpapatrolya sila nang mamataan si Napolitano ng alas-3:30 ng madaling araw sa kanto ng EDSA at Evangelista Street, Barangay Bangkal sa Makati City.

Sinita ng mga awtoridad si Napolitano dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsusuot ng face mask, nang utusang ilabas ng suspek ang laman ng kaniyang bulsa, nalaglag mula rito ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu dahilan upang tuluyan siyang arestuhin.

Ang dayuhan ay sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments