Dalawang office helper, arestado matapos mahuling nagpa-pot session sa Las Piñas City

48

Kalaboso ang dalawang lalaking helper matapos mahuli sa aktong bumabatak ng iligal na droga sa loob ng isang opisina sa Las Piñas City.

Kinilala ang dalawa na sina Elvis Arcones, 24, may asawa ng 12 Kasoy Street, Verdant Acres Subdivision, Barangay Pamplona 3 at Divino Salvadora, 22, binata, residente sa Boys Dorm, RSTI Compound, Brgy. Pamplona 1 sa nasabing lungsod.

Ayon kay Staff/Sgt. Joseph Tayabas, nangyari ang pot session sa loob ng JR and R Distributor Office matatagpuan sa Brgy. Pamplona 1, sa Las Piñas City.

Nakatanggap ng impormasyon ang Sub-station 2 mula sa isang guwardiya kaugnay ng nagaganap na pot pot session sa loob ng naturang opisina.

Hindi na nagawang makatakas pa nang mabulaga ng mga pulis.

Narekober sa mga ito ang isang bukas na pakete na may latak ng hinihinalang shabu, isang lighter at nakabilog na aluminum foil na ginamit bilang improvised tooter.

Facebook Comments