Mexico, muling niyanig ng malakas na lindol; Search and rescue operations, pansamantalang itinigil

Mexico – Naalarma muli ang mga residente sa Mexico matapos ang pangatlong pagyanig ng lindol na may lakas na magnitude 6.2 sa timog na bahagi ng bansa.

Dahil dito, pansamantalang tinigil ang rescue operations para sa paghahanap sa mga posibleng survivors sa naganap na lindol noong mga nakaraang araw.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS) ang bagong pagyanig ay mababaw din, at ang epicenter ay malapit sa Juchitan, isang tropical region ng Oaxaca State na nilindol din noong Setyembre 7.


Sa ngayon, aabot na sa 384 na tao ang namatay dahil sa pagtama ng dalawang malalakas na lindol ngayong buwan sa Mexico.

Facebook Comments