Pilipinas, bigo sa laban kontra Palestine sa 2017 FIBA Asia Champions Cup

Sports – Pumalya ang depensa ng Chooks-To-Go Pilipinas at natalo kontra Palestine sa 2017 FIBA Asia Champions Cup sa Chenzhou Sports Center sa China.

Sa iskor na 89-82, nahirapanan ang Pilipinas na tapatan ang combined 63 points nina Jamal Abu-Shamalah, Todd O’brien at Anthony Weeden ng Sareyyet Ramallah ng Palestine.

Sinubukan pang isalba ni Kiefer Ravena ang Chooks matapos magtala ng 24 points na sinundan ni Jeron Teng na may 18 points pero hindi pa rin ito sapat para mapataob ang kalaban.


Ito ang unang talo ng Pilipinas na nakapagtala ng huling panalo nito kontra Kazakhstan noong Biyernes.

Sunod na makakalaban ng Pilipinas ang Mono Vampire ng Thailand na kasalukuyan na ring may tig-isang panalo at talo.

Facebook Comments