Mexico, Nagbanta Na Gaganti Sa Amerika

11

MEXICO – Tiniyak ng Mexico na gaganti ito kapag sila ay pinag-initan sa pagpataw ng buwis ng Amerika.Ayon kay Mexican Economy Minister Ildefonso Guadardo – nakahanda sila sa anumang hakbang isasagawa ng administrasyon ni President-Elect Donald Trump .Dagdag pa nito na ang banta ni Trump na 35% tariff laban sa Mexico ay magiging problema sa buong mundo.Agad namang dumipensa ang Amerika at sinabi ng kampo ni Trump na gagamitin nila ang banta sa tariffs para makakuha sila ng magandang trade deal sa Mexico.

Facebook Comments