Pulis Na Sangkot Sa Pagdukot Sa Isang Korean National Sa Pampanga – Hawak Na Sumuko, Pnp Chief Dela Rosa – May Banta Sa

5

ANGELES CITY, PAMPANGA – Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na nasa kostudiya na ng National Bureau of Investigation ang pulis na sangkot sa pagkidnap sa South Korean National na si Jee Ick Joo noong Oktubre sa Angeles City.Ayon kay Aguirre – boluntaryong sumuko kaninang madaling araw sa nbi si SPO3 Ricky Sta. Isabel kasunod ng kautusan ni PNP Chief. Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa na “manhunt peration” laban sa kanya.Sa press conference na kampo krame – tiniyak ni Gen. Bato na hindi na makakawala sa PNP ang nasabing pulis.Ayon kay Dela Rosa – takot si Sta. Isabel na magpakustodiya sa PNP kaya sa NBI ito sumuko.Si Sta. Isabel ay nahaharap ngayon sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Facebook Comments