MEXICO – Bumuo na ng plano ang Mexico upang paghandaan ang posibleng mass deportation sa ilalim ng administrasyon Ni U.S. President-elect Donald Trump.Ayon kay Eduardo Sanchez, tagapagsalita ni Mexican President Enrique Pena Nieto, ang deportation ay isa sa mga agenda na pag-uusapan nina Trump at Nieto sakaling magharap ang mga ito.Una nang nanindigan si Trump na ipapa-deport ang nasa 3 milyong illegal migrants sa Estados Unidos.Nabatid na isa sa mga agenda ni Trump sa kampanya nito ay ang pagpapatayo ng pader sa border ng Amerika at Mexico upang mapigilan ang pagpasok ng mga illegal immigrants na tinawag nitong mga kriminal at drug dealers.
Facebook Comments