Mexico, nakapagtala ng mahigit 4,000 COVID-19 cases sa loob lamang ng isang araw

Nakapagtala ng 4,833 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Mexico na itinutiring nilang pinakamataas sa kasalukuyan.

Sinabi ni Health Official Jose Luis Alomia na mayroon ng kabuuang 129,184 na kumpirmadong kaso ang kanilang bansa habang nasa 15,357 naman ang mga patay sa nasabing sakit.

Una ng sinabi ng mga opisyal na posibleng umakyat sa mahigit 30,000 ang mga mamamatay sa Mexico dahil sa nasabing virus.


Sa ngayon ay nangunguna pa rin ang America sa may pinakamaraming kaso at mga patay sa buong mundo dahil sa COVID-19 kung saan naitala rito ang mahigit 7.3 million cases at 414,484 deaths worldwide.

Facebook Comments