Mexico, niyanig ng magnitude 8.1 na lindol

Mexico – Niyanig ng magnitude 8.1 na lindol ang Southern Mexico.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang epicenter ng lindol sa 165 kilometers west ng Tapachula ng Southern Chiapas at may lalim na 35 kilometers.

Sa lakas ng lindol, nagpalabas ang USGS ng tsunami warning sa pacific coastline ng Mexico, Guatemala, El Salvador, Costa Rica, Nicaragua, Panama, Honduras at Ecuador.


Sunod-sunod din ang naire-record na aftershocks na may lakas na magnitude 5.

Facebook Comments