Libu-libong deboto ni Peñafrancia, nakikiisa ngayon sa traslacion prosesyon

Naga City, Philippines – Libu-libong mga deboto ni Nuestra Señora de Peñafrancia ang patron ng Bicolandia ang dumadalo ngayon sa ginagawang traslasyon.

Ganap na alas-3 ng hapon nang ilabas ang andas ni El Divino Rostro at kaagad namang sinundan ni Nuestra Señora De Peñafrancia.

Nasa mahigit kumulang 3-libong pulis at militar ang nakakalat ngayon sa Naga para masiguro ang katahimikan ng prosesyon.


Bilang parte rin ng seguridad nakapatay ngayon ang signal ng mga telecommunication para maiwasan ang anu mang posibleng pagsamantala ng mga elementong kriminal.

Epektibo rin mula kaninang hating gabi ang liquor ban at 10 araw mula kahapon ay pinapasunod din ang gun ban.

Samantala, limangpung mga ambulansya at nasa limang daang mga medical volunteers naman ang naka-standby din para kaagad na mabigyan ng asistensya ang mga masusugatan na mga voyadores.

Ililipat ang andas ni Divino Rostro at ni Peñafrancia magmula sa Peñafrancia church patungo sa Metropolitan Naga Cathedral.

Ang nasabing prosesyon ay naihahalintulad sa prosesyon ng Nazareno dahil sa dinamidami ng mga tao, voyadores o deboto na gustong makahawak o makakuha ng bulaklak mula sa andas Peñafrancia at Divino Rostro.

Facebook Comments