Naging isang makasaysayan para sa bansang Mexico ang pagkakahalal sa pinaka-unang babaeng Presidente nito.
Siya ay si Claudia Sheinbaum, 61-anyos, at alkalde rin ng Mexico City.
Batay sa official electoral authority ng Mexico, si Sheinbaum ay nakakuha ng boto na aabot sa 58 hanggang 60% mula sa ginanap na Halalan nitong Linggo, ika-2 ng Hunyo.
Watch more balita here: FOOD WASTES, ISA SA MGA NAIS MATUGUNAN SA 33rd NLABC
Natalo nito ang kanyang katunggali sa pagka presidente na si Xóchitl Gálvez, matapos niyang makakuha ng 30% na kalamangan sa boto.
Kaugnay nito, papalitan ni Sheinbaum sa puwesto si outgoing President Andres Manuel Lopez Obrador sa Oktubre 1.
Sa katunayan, noong 2018 ay naging siya ang unang babaeng alkalde ng Mexico City at taong 2023 ng ito ay bumaba sa puwesto upang tumakbo naman sa pagkapangulo.