MGA 4Ps BENEFICIARIES SA SAN JACINTO, BINIGYAN NG KAALAMAN UKOL SA RESPONSIBLE PARENTHOOD AT FAMILY PLANNING

Binigyan ng kaalaman ukol sa Responsible Parenthood and Family Planning ang mga benepisyaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa bayan ng San Jacinto matapos magsagawa ng pagpupulong ang mga ito kasama ang Population Program Office o PPO.
Ang PPO ay sa ilalim ng local government unit ng San Jacinto kung saan lumilibot ito sa ibat ibang barangay sa bayan para magbigay ng kaalaman sa mga 4Ps Beneficiaries sa responsableng pagiging magulang at family planning.
Ang pagsasagawa ng ganitong klaseng aktibidad ay sa pakikipagtulungan rin ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at 4Ps Municipal Operations Office.

Samantala, ang PPO ng San Jacinto, Pangasinan ay nagwagi at nagtataguyod ng epektibong paggamit ng mga modernong pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya na siyang available sa Barangay Health Centers at Rural Health Units. |ifmnews
Facebook Comments