Manila, Philippines – Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa Supreme Court na moto propio o otomatiko nang imbestigahan ang mga abogadong kasapi ng Aegis Juris Fraternity na kasabwat sa pag-cover up o pagtatakip sa kaso ng pagkamatay ni Horacio Atio Castillo III dahil sa hazing.
Giit ni Gatchalian, dapat ay isailalim sa disbarment ang nabanggit na mga abogado para matanggalan sila ng lisensya.
Ang mensahe ni gatchalian sa kataas taasang hukuman ay base sa lumabas na FB group chat ng mga members ng Aegis Juris Fraternity.
Sa nabanggit na chat group ay tinuturuan ng mga abogadong miyembro ng frat ang mga miyembro na kumukuha pa lang ng kursong abogasya kung paano tatakasan ang kaso ng pagkamatay ni Atio at paano lilinisin ang frat library kung saan nangyari ang krimen.
Binigyang diin ni Gatchalian na ang mga abogado ay agents ng justice system at taliwas dito ang inasal at naging hakbang ng nabanggit na mga abogado.