Mariing pinabulaanan ng mga abogado sa Public Attorney’s Office (PAO) ang pag-iisyu ng manifesto na sangkot sa katiwalian at pinasususpinde ang kanilang pinuno na si Atty. Persida Acosta at forensic investigator Erwin Erfe.
Itinuturing ng 84 abogado ng PAO na “fake news” ang lumabas na manifesto sa publiko.
Giit nila na wala silang ginawang dokumento o nagsumite nito sa Office of the Ombudsman.
Malinaw na ang manifesto ay gawa-gawa lamang.
Naniniwala ang mga abogado na layunin lamang nitong siraan sina Acosta at iba pang abogadong sangkot sa Dengvaxia controversy.
Facebook Comments