Mga abogadong sangkot sa pagkamatay ni Atio Castillo, pinadidisbar

Manila, Philippines – Nanawagan ang ina ng hazing victim na si Horacio Castillo na tanggalan ng lisensya mga abogado na tumulong upang mapagtakpan ang nangyaring initiation rites na ikinamatay ng kanyang anak.

Kaugnay na rin ito ng nabulgar sa pagdinig ng senate public order committee na isang chat group kung saan nasa tatlumpu miyembro ng Aegis Juris Fraternity ang umano’y nagplano para linisin ang mga ebidensya sa pagkamatay ni Atio.

Sa interview ng RMN, tahasang sinabi ni ginang Carmina Castillo na walang karapatan ang mga ito na maging abogado.


Sinabi ni Mrs. Castillo na gagamitin nila ang nasabing group chat bilang ebidensya para mapakulong ang mga pumatay sa kanyang anak.

Nanawagan din ito sa iba pang miyembro na lumabas na at magsalita sa tunay na nangyari.

Facebook Comments