*Ilagan City, Isabela*- Inilatag ni Governor Rodito T. Albano III sa kanyang naging talumpati ang mga magiging adyenda at mga programa na ipapatupad sa kanyang pag-upo bilang ama ng Lalawigan ng Isabela.
Aniya, maglalaan umano siya ng karagdagang financial assistance sa sangay ng Edukasyon at bubuo ng grupo ng mga kabataan na mangunguna sa pangangalaga ng kalikasan.
Isasaayos din umano nito ang mga imprastraktura para sa ika-uunlad pa ng turismo ng Isabela sa tulong na rin aniya ni Sen. Maria Lourdes Nancy S. Binay.
Bibigyang pansin din ng Gobernador ang mga programang pampamilya at pangkalusugan tulad ng primary health care at maternal and child care.
Pinasalamatan naman ni Albano III ang mga Isabelino dahil sa pagbibigay sa kanya ng tiwala at gagawin aniya nito ang kanyang makakaya upang mapaglingkuran ng mabuti ang mga Isabelino.
Tiniyak din nito na gagawin ng bawat halal na opisyal ang kanilang tungkulin para sa ikauunlad ng Lalawigan.
Samantala, inihayag ni Albano III na susuportahan nito ang kampanya kontra sa iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.