MGA AFFECTED HOG RAISERS SA SAN CARLOS CITY, NABIGYAN NG ALAGANG BABOY

Tinanggap ng 15 benipisyaryong hog raisers ang mga weaners (bagong hiwalay na biik) na nagmula sa Department of Agriculture sa ilalim ng ASF Sentineling Program at Livestock Banner Program ng nasabing ahensya.
Ang mga benepisyaryong hog raisers ay kabilang sa mga nag deklara na ASF affected, may mga index cases ng ASF at sakop ng 1-kilometer radius mula sa redspot ng ASF.
Patuloy namang imomonitor ng kinauukulan ang mga baboy na ito sa loob ng 40 araw at magsasagawa ulit ng blood sampling at kung maging negative to ASF ang resulta ng Rehabilitation at Repopulation program na ito ay magsisilbing hudyat upang muling buhayin ang backyard hog raising dito sa ating lungsod.

Kabilang din sa mga ipinamahagi ang mga Swine feeds (pre-starter feeds at starter feeds) para sa mga benepisyaryo. | ifmnews
Facebook Comments