Saturday, February 28, 2026

Mga affidavit ng sinasabing bagman ni VP Sara, mahalaga rin sa pagtalakay sa form at substance ng impeachment ng bise sa Lunes

Mahalagang mabusisi rin ng kongreso ang mga affidavit ng self-confessed former aide at bagman ni Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga sa impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.

Sa Lunes na kasi tatalakayin ang proceedings para sa determination of sufficiency and substance sa apat na impeachment complaint na inihain laban kay VP Sara.

Ayon kay Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, Chair ng House Committee on Public Accounts, ang affidavit ni Madriaga ang bago ngayon sa impeachment ng pangalawang pangulo.

Seryoso aniya ang mga alegasyon ni Madriaga laban sa pangalawang pangulo kayat nararapat lamang itong mabusisi kapag sumalang na sa pagdinig si Madriaga.

Ang impeachment complaint laban kay VP Sara ay inihain ng Makabayan coalition, koalisyon ng mga civil society group, mga pribadong indibidwal at ng grupo ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. at La Union Rep. Paolo Ortega.

Kabilang sa mga basehan ng reklamo laban kay Duterte ang hindi umano maipaliwanag na paggamit nito ng confidential funds sa kanyang tanggapan bilang vice president at noong kawani siya ng Department of Education (DepEd).

Facebook Comments