Mga Agrarian Reform Beneficiaries, magsu-supply na ng pagkain sa BJMP

Magsusuplay na rin ng pagkain ang mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para sa mga Persons Deprived with Liberty (PDLs).

Sa isang Memorandum of Understanding, nagkasundo ang Department of Agrarian Reform (DAR) at BJMP sa Central Visayas at SOCCSKSARGEN para palakasin ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty program.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, magiging marketing outlet na ng ARBs ang BJMP.


Paraan din ito para matulungan ang mga magsasaka na makakita ng regular buyers para sa kanilang harvest at iba pang farm products.

Aniya hindi na rin kailangang dumaan pa sila sa middlemen o traders na karaniwang binabarat ang kanilang produkto

May tatlong BJMP centers ang nangako na magsisimula na sa pagbili ng kanilang daily supply ng pagkain sa farmers organization tulad ng bigas, gulay, isda at karne.

Balak din ng DAR na alukin ang iba pang BJMP Detention Centers sa iba pang rehiyon kabilang ang National Capital Region (NCR) para mapabilang sa programa.

Facebook Comments