Mga ahensiyang may kinalaman sa oil spill sa Oriental Mindoro, magpupulong sa DOJ

Inanunsiyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na tuloy ang ipinatawag na pulong ng Department of Justice (DOJ) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa isyu ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Sinabi ng kalihim na alas-9:00 ng umaga sisimulan ang pulong kung saan inaasahang haharap ang mga kinatawan Philippine Coast Guard (PCG) at ang Maritime Industry Authority (MARINA).

Sakali aniyang hindi na naman humarap ang MARINA, itutuloy pa rin nila at susundin ang legal na proseso.


Pero giit ni Remulla na magpapahaba lang ng problema kapag hindi sumipot ang kinatawan mg MARINA.

Sinabi pa ni Remulla na ang pulong ay bahagi na ng case build-up ng DOJ.

Layon din nito na matiyak na mabibigyan ng katarungan ang mga residenteng naapektuhan ng oil spill.

Facebook Comments