Reresolbahin ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga reklamong hinggil sa korapsyon na matatanggap ng Task Force Against Corruption (TFAC) ng Department of Justice (DOJ).
Paliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, pipiliin lamang ng task force ang mga corruption complaints na kanilang reresolbahin depende sa ‘nature,’ ‘complexity’ at ‘magnitude’ nito.
Ang mga reklamong hindi maiimbestigahan ng task force ay ire-refer sa mga kaukulang ahensya.
Ang TFAC ay nagsimula nang tumanggap ng reklamo at mga sumbong hinggil sa korapsyon sa pamamagitan ng DOJ Action Center.
Ang task force ay nagtakda ng P1 billion na threshold sa corrupt activities na kanilang iimbestigahan.
Nabatid na limang ahensya ang iimbestigahan ng task force kabilang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BoC) at Land Registration Authority (LRA) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).