Mga ahensya ng gobyerno, inatasan ni PBBM na magtulungan para labanan ang kahirapan

Inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na makiisa sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na Pilipino para magawa ang whole of government approach sa paglaban sa kahirapan.

Sa isinagawang unang En banc ng National Anti-Poverty Commission o NAPC sa Palasyo ng Malacañang, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng maayos na ugnayan ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan para malabanan ang matagal na problema ng bansa na kahirapan.

Dapat ayon sa pangulo, bawat ahensya ng pamahalaan ay alam ang functions at responsibilisad para magamit nang mabuti ang mga resources sa pagtulong sa mga mahihirap na komunidad.


Mahalaga rin ayon sa presidente para sa NAPC na ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa mga Pilipinong nakatira sa mga mahihirap na komunidad para matukoy ang kanilang mga pangangailngan.

Facebook Comments