Resolusyon na humihikayat sa UNGA na sitahin ang China sa patuloy na pambu-bully sa Pilipinas, tiniyak ni Senate President Zubiri na susuportahan ng mayorya

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na aaprubahan nila sa pagbabalik ng sesyon ngayong Hulyo ang resolusyon na inihain ni Senator Risa Hontiveros para matigil na ang pambu-bully ng China sa Pilipinas.

Naghain si Hontiveros ng resolusyon na nananawagan sa administrasyong Marcos na himukin ang United Nations General Assembly (UNGA) na tawagin ang pansin ng China para tigilan na ang mga agresibong aksyon sa ating teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Zubiri, walang problema sa kanila sa mayorya na maipasa agad ang resolusyon ni Hontiveros sa pagbabalik sesyon.


Katunayan aniya, noon pa man ay may pagkakaisa na ang mga senador laban sa patuloy na panghihimasok ng China sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ) kaya kumpyansa siyang susuportahan ito ng mga kasamahang mambabatas at agad na i-a-adopt.

Pagtitiyak pa ni Zubiri, iisa aniya ang stand dito ng mga senador at sigurado ang supermajority vote para pagtibayin ang resolusyon.

Dagdag pa ng senador, nakausap niya na rin si Hontiveros at nagpahayag siya ng pagpabor sa nasabing resolusyon.

Facebook Comments