Mga ahensya ng gobyerno, kinalampag kaugnay sa krisis sa transportasyon

Kinalampag ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na tugunan na ang krisis sa transportasyon na nakakaapekto na ng husto sa public commuters.

Giit ni Vargas, ang kakulangan sa public transportation ay hindi pa rin epektibong nasosolusyunan mula nang payagan ng gobyerno ang full-operations ng mga negosyo at commercial establishments.

Punto ng kongresista, ang kakulangan sa public transportation ay nakakaapekto na sa parehong mga manggagawa at mga negosyo.


Aniya, ang mga manggagawa ay araw-araw na nahihirapan para makarating sa trabaho sa itinakdang oras gayundin sa pag-uwi sa kanilang mga pamilya.

Kapag naman ang mga manggagawa ay hindi nakakapasok sa tamang oras sa mga trabaho at pagod na dahil sa matinding pinagdaanan sa biyahe, ito naman ay nakakaapekto sa productivity at sa operasyon ng mga negosyo.

Bukod dito, tinukoy pa ng mambabatas na ang ‘overcrowding’ sa mga terminal at bus ay posibleng nakakadagdag sa dahilan ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Facebook Comments