Biyaheng Manila-Brunei, muling binuksan ng Cebu Pacific

72

Muling binuksan ng budget carrier Cebu Pacific (CEB) ang rutang Manila-Brunei, makaraan ang dalawang taong pamamahinga.

Nakaplano na sa July 23, 2022 ang flight sa pagitan ng Manila at Brunei na magsisimula ng dalawang beses sa isang linggo tuwing Huwebes at Sabado.

Sa ngayon ay umabot na sa 18 international destinations ang mga naibalik ng CEB.


Ayon sa Cebu Pacific, sa mga interesadong traveler na naghahanap ng mabibisitang bansa ay inirerekomenda nito ang Brunei, sanhi sa maraming aktibidad na magagawa doon katulad ng hiking, ATV rides, water sports at wellness spa.

Ang flight 5J409 ay nakatakdang umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dakong alas-7:10 ng gabi, at darating sa Brunei International Airport bandang alas-9:40 ng gabi.

Ang return flight na 5J410, ay nakatakdang lumipad mula Brunei dakong alas-10:30 ng gabi, at darating sa Manila bandang alas-12:30 ng madaling araw kinabukasan.



Facebook Comments