Oobligahin ang mga ahensya at mga tanggapan ng gobyerno na maglaan ng bahagi mula sa matitipid na pondo.
Sa House Bill 10832 o “Mandatory Savings Bill”, layunin nito na obligahin ang lahat ng mga departmento, ahensya o opisina ng gobyerno, maging ang Government Owned and Controlled Corporations o GOCCs, Government Financial Institutions o GIFs at State Universities and Colleges o SUCs na maglaan ng hindi bababa sa limang porsyento ng kanilang “budgetary savings”.
Ito ay para makalikom ng pondong pang-ayuda na gagamitin na pantugon sa mga sektor na apektado ng COVID-19 pandemic.
Malaking tulong ito lalo’t ang pandemya ay sinabayan pa ng pag-mahal ng presyo ng langis at mga bilihin.
Sa katunayan, kung sakaling maging ganap na batas ang panukala ay tinatayang nasa P250 billion ang malilikom mula sa 5% savings ng mga ahensya ng gobyerno.
Bukod naman sa ayuda, isinusulong din na magamit ang pondo para sa COVID-19 testing, programa para sa pagbabakuna at iba pa.