Naiturok na doses COVID-19 vaccine ng Manila LGU, umabot na sa halos 3.4-M

Ipinagmalaki ng Manila City Government na umabot na sa halos 3.4 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok nito sa pangunguna ng Manila Health Department.

Sa naturang bilang ay halos 1.7 million ang fully vaccianted o nakadalawang doses na ng COVID-19 habang mahigit 1.7 million naman ang naka-1st dose pa lamang.

Mahigit 285,000 naman na edad 12-17 ang nabakunahan na sa Maynila at sa bilang na ito ay halos 137,000 ang full vaccinated na.


Sa edad 5 hanggang 11 naman ay mahigit 78,000 na ang nabakunahan sa Maynila kung saan mahigit 28,000 ang fully vaccinated na.

Nasa mahigit 508,000 naman na ang nabibigyan ng Manila Health Department ng booster shots.

Facebook Comments