Mga ahensya ng pamahalaan, nagkakaisa sa paghahanda sa paparating na bagyo

Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman Sr. Usec. Carlito Galvez Jr., na lahat ng ahensya ng pamahalaan ay nagkakaisa pagdating sa paghahanda sa inaasahang pananalasa sa bansa ng Bagyong Mawar o Bagyong Betty.

Sa NDDRMC full council meeting kahapon, binigyang diin ni Galvez ang concern ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ma-mitigate ang anumang panganib ng bagyo sa pamamagitan ng mahusay na paghahanda.

Binigyang diin pa ni Galvez ang pangangailangan ng maayos na koordinasyon at facilitation sa pagitan ng lahat ng sangay ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad.


Partikular na tinukoy ni Galvez ang mahalagang papel ng Office of Civil Defense, Department of Interior and Local Government at Armed Forces of the Philippines at ang pagtalima ng mamamayan upang makamit ang zero casualty.

Facebook Comments