Mga bisita sa Bilibid, oobligahin nang mag-antigen test

Oobligahin na ang mga bisita sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) na magprisinta ng negatibong resulta ng rapid antigen test.

Kasunod ito ng pagbubukas sa mga bisita ng naturang mga piitan

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director for Health and Services CT/ SSUPT. Maria Cecilia Villanueva, dapat ang rapid test ay ginawa 24 oras bago ang pagdalaw sa kulungan.


Ang araw naman ng pagbisita ay kada Miyerkules hanggang Linggo lamang, dakong alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ang medical checkup naman sa inmates ay kailangan munang dumaan sa evaluation ng Department of Justice.

Habang ang mga gamot na ipapasok sa loob ng Bilibid ay kailangan munang ipaalam sa directorate health service.

Facebook Comments