Mga ahensyang hindi makakabuo ng FOI manual, hindi makatatanggap ng performance bonus

Manila, Philippines – October 1 ang ibinigay na deadline ng Presidential Communication Operations Office o PCOO sa lahat ng government agencies para makabuo ng kani-kanilang Freedom Of Information o FOI manual.

Ang nabanggit na manual ay dapat i-post sa website ng bawat ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay PCOO Assistant Secretary for Policy and Legislative Affairs Kris Ablan ang FOI manual ay pre-requisite para i-release ng Department of Budget Management ang nakalaang pondo para sa performance bonus ng kada ahensya.


Sabi ni Ablan, naipaliwanag namang mabuti sa government agency na “No FOI, No Performance Bonus Policy.”

Ayon kay Ablan, ngayon ay nasa 68 percent ang compliance rate ng mga national government agencies, habang nasa 25 porsiyento pa lamang sa mga government owned and controlled corporations ang nakakatugon sa FOI requirement.

Apat naman na state university and colleges pa lang ang nakakapag sumite ng kanilang FOI manual.

Habang 100 percent o lahat ng 22 department offices ay nakatugon na sa nasabing requirement ng DBM.

Facebook Comments